Inaresto ng mga kapulisan ang anak ng Crown Princess ng Norway dahil sa reklamong panggagahasa.
Ayon sa Norweigan police, nasa kanilang kustodiya na si Marius Borg Høiby dahil sa panggagahasa.
Base sa abogado ng 20-anyos na biktima na hindi niya kilala ang 27-anyos na si Holby.
Sa araw na lamang kung kailan nangyari ang insidente doon niya nakilala si Holby.
Mariing pinabulaanan ng kampo ni Holby ang nasabing alegasyon laban sa kaniya.
Si Holby ay isinilang bago pa lamang ikasal ng ina nitong si Mette-Marit si Crown Prince Haakon at tuluyang naging prinsesa noong 2001.
Sa kasalukuyan ay nahaharap na ito ng iba’t-ibang kaso mula sa limang magkakaibang mga katao na apat na babae at isang lalaki.
Ang tatlo sa mga biktimang babae ay dating karelasyonni Holby na ang mga ito ay nakadama ng pananakit kay Holby.
Noong Agosto ay kinasuhan an si Holby dahil sa pang-aatake at criminal damage sa isang apartment.