TACLOBAN CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa nangyaring shooting incident sa labas ng RTR Hospital sa Calanipawan, siyudad ng Tacloban.
Una dito nang binaril-patay sa loob ng kaniyang sasakyan ang biktima na kinilala na si Jayson Golong, 43 taong gulang, anak ng dating city prosecutor at residente ng V&G Subdivision, Tacloban City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, na nakapagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa kaniyang katawan ang biktima na naging dahilan sa kaniyang agarang pagkakamatay.
Umaabot naman sa 23 basyo ng bala ang nakuha sa crime scene.
Ayon kay Police Capt. Edwin CaƱamaque, station commander ng San Jose Police Station 1, sa ngayon ay tinitingnan nila ang lahat ng anggulo kaugnay sa naturang insidente.
Mapapag-alaman na nito lamang taong 2018 nang mahuli ang biktima ang kasama ang girlfriend nito kaugnay sa iligal na droga.
Samantala, nito lamang linggo rin ay isang retired police ang pinagbabaril sa Abucay Terminal sa Tacloban.