KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril-patay sa anak ng ex-Barangay Kapitan sa lungsod ng Koronadal.
Kinilala ang biktima na si si Rodwin Ortiz Madria, 37 yrs old, may asawa, isang Vendor, at residente ng Morrow St. Brgy Zone 2, City of Koronadal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PLt./Col Jeofel Siason hepe ng Koronadal City PNP, lumabas sa kanilang imbestigasyon na susunduin sana ng biktima ang asawa nito na isang cook sa isang Restaurant kung saan nangyari ang pamamaril pasado alas-9 kagabi.
Ayon kay Siason, sakay ang biktima ng isa tricycle kasama ang kanyang 3 anak, nang dinikitan ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek at bigla itong pinagbabaril sa ulo.
Nagtamo ng 3 tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Sa ngayon, nasa trauma pa ang mga anak ng biktima sa nakita nilang pagpaslang sa kanilang ama.
Inaalam naman sa ngayon ang motibo ng pagpatay sa biktima.
Nabatid na ang biktima na si Rodwin Ortiz Madria ay anak ng isang dating barangay kapitan ng Brgy. Zone 2, Koronadal City.