-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Malaki ang pasasalamat ng isang Person Deprived of Liberty sa bayan ng Virac sa Catanduanes.

Ito ay matapos maibigay ng Virac Municipal Police Station ang kahilingan na mabinyagan ang ikatatlong anak nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj Robert Kevin Caparroso, Chief of Police ng Virac MPS, naging matagumpay ang ginawang ambagan ng kapulisan upang mabinyagan ang tatlong buwang sanggol.

Sakto rin ito sa pagdiriwang ng Feast of the Immaculate Conception sa bayan.

Nagsilbing mga ninong at ninang ang mga pulis na tumulong sa naturang binyag.

Bahagi ang naturang hakbang ng programa ng Virac MPS na Kasimbayanan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).

Ayon kay Caparosso, masaya at magaan sa pakiramdam ang nakakatulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan.