-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pa rin na tinutugis ng mga otoridad ang holdupper na bumaril-patay sa anak ng konsehal sa bayan ng Leganes, Iloilo.
Ang biktima ay si Carl Dominic Labuson, 19, residente ng Carimayor, Leganes, Iloilo at anak ni SB member Larry Labuson.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain Shella Mae Sangrines, tagapagsalita ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na habang nasa gasoline station, nasaksihan ng biktima ang nangyaring hold up incident sa bayan ng Leganes, Iloilo.
Tinugis ni Labuso ang holdupper at nang nakorner niya ito sa Metropolis Avenue, Jaro, Iloilo City, binaril siya ng suspek sa ulo at dibdib na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.