-- Advertisements --

LAOAG CITY – Napaiyak sa sobrang tuwa si Atty. Rhowee Buergo matapos na malaman na siya ay pumasa sa 2019 Bar Examination.

Hindi lamang kasi siya basta pumasa lamang kundi pumuwesto pa ito bilang Rank 7.

Inspirasyon aniya niya sa kanyang pangarap na ito ay ang kanyang ama na magsasaka.

Ito aniya ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob nang kumukuha ito ng pagsusulit.