KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pananambang-patay sa anak ng mataas na lider ng MNLF habang sugatan naman ang kasama nito sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Datu Qudzi Simpal , 23 anyos at anak ni Datu Yahudza Qudz Simpal Utto, chief of staff ng Moro National Liberation Front -Nur Misuari faction.
Nangyari ang pananambang sa Tamontaka intersection, national highway sa bayan ng Datu Odin Sinsuat kung saan pinaulanan ng bala ng suspek ang mga biktima na nagresulta din sa pagkasugat ng kasama ng driver ng tricycle ni Simpal na si Muhidin Kamid, 40 anyos.
Sa imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, isang lalaking armado ng caliber .45 ang suspek sa pamamaril sa mga biktima.
Anim na basyo ng bala ang natagpuang ng mga imbestigador mismo sa lugar kung saan pinatay si Simpal.
Hindi tiyak kung ang pagpatay kay Simpal ay may kinalaman sa pagiging mataas na opisyal ng MNLF ng kanyang ama.