-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang anak ng kilalang negosyante sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Kevin Cañada at residente ng Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxism Peralta na binarily patay ng mga hindi kilalang suspek ang biktima sa bahagi ng Sitio Tanibtiban Barangay Batulawan sa bayan ng Pikit.

Agad tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril at on the spot na binawian ng buhay ang biktima ng magtamo ng tama ng bala sa ulo.

Nabatid na si Cañada ay anak ng isang kilalang negosyante.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station sa pamamaril patay sa biktima.