-- Advertisements --

LA UNION – Isa ngayong ‘proud father’ si Commodore Genito Basilio, Commander ng PCG Palawan, dahil sa pagtatapos ng kanyang anak with honor sa US Coast Guard Academy Class 2021 (USCGA).

Si Cadet Genison Basilio ay isa sa mga apat na Pilipino na nagtapos sa US Coastguard Academy sa New London, Connecticut noong nakaraang linggo.

Kasama sina cadets Eric Joseph Noble, Daisy Anne Atayan, at Dianne Shaira Basuel.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo La Union kay Commodore Basilio, sinabi niya na hindi lamang karangalan ng kanilang pamilya kundi karangalan din ng Phil. Coast Guard, ang pagtatapos ng apat na Pilipino, kabilang ang kanyang anak.

Kuwento ni Commodore Basilio na sabay na nag-apply si Genison sa PMA at USCGA, ngunit sa huli ito pumasa at natanggap.

Sinabi din niya na tinagurian nilang ‘Dota Boy’ si Genison dahil ito ang hilig niya noon kaya tinawag din niyang ‘sablay’ ang pag-aaral nito.

Ngunit bago nagtungo sa Amerika, si Genison ay nagtapos ng Bachelor of Science in Operational Research and Computer Analysis at Management Accounting dito sa Pilipinas.

Sa ngayon, umuwi sa Pilipinas si Genison at kasalukuyang naka-quarantine sa Maynila habang si Commodore Basilio ay nagpa-iwan naman sa Amerika.

Si Cmdre Basilio ay isang Ilocano at dating District Commander ng PCG-NorthWesternLuzon.