KORONADAL CITY – Usap-usapan ngayon ang biglaang pagbaba sa puwesto ng dalawang mga opisyal ng Datu Unsay, Maguindanao.
Napag-alaman na isinumite nina Mayor Fuentes Dukay at Vice Mayor Wanay Salibo Dukay ang kanilang resignation kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa hindi pa malinaw na dahilan.
Dahil sa pagbaba sa puwesto ng dalawa ay umupong alkalde ng Datu Unsay si Datu Andal “Datu Aguak” Ampatuan V matapos manumpa kay Sen. Nancy Binay.
Samantala uupong bise alkalde ang konsehal na si Bai Janine Ampatuan Mamalapat.
Kinumpirma din umano ito ng Ministry of the Interior and Local Government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ni Atty. Naguib Sinarimbo.
Ang pag upo ni Datu Aguak at Bai Janine bilang alkalde at bise alkalde ay base sa rule of automatic succession sa ilalim ng Local Government Code of 1991.
Si Datu Aguak ay anak ni Datu Andal Ampatuan Jr. na siyang pangunahing suspek sa Maguindanao massacre.