-- Advertisements --

Pumanaw na ang 17-anyos na anak ng singer na si Sinéad O’Connor na si Nevi’im Nesta Ali Shane.

Sinabi ng singer sa kaniyang Twitter na mas pinili ng anak nitong tapusin na ang paghihirap sa mundo at hinikayat ang iba na huwag itong gayahin.

Base sa Irish police na huling nakita ang anak ng singer noong Enero 6.

Nagbigay na lamang ng tribute ang singer sa anak sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Twitter ng kantang “Ride Natty Ride” ni Bob Marley.