-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay sa engkwentro ng Joint Task Force Central ang anak ng sub-leader ng Dawlah Islamiyah Terrorist Group (DITG) sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Adsam Indal anak ni Kumander Hassan Indal ng Dawlah Islamiyah at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na tumanggap sila ng impomasyon sa presensya ng grupo ni Kumander Adsam sa Sitio Ulangkaya Barangay Ganta Shariff Saydona Mustapha Maguindanao na nangingikil sa mga sibilyan.

Agad na nagsagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 6th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Charlie Banaag.

Papasok palang ang tropa ng Joint Task Force Central sa kanilang target ay pinaputukan na sila ng mga rebelde dahilan para gumanti ang mga sundalo.

Tumagal ng limang minuto ang barilan sa magkabilang panig.

Sinabi ni Ist Mechanized Brigade Commander Colonel Pedro Balisi na umatras ang BIFF patungong Liguasan Delta.

Iniwan ng mga rebelde sa kanilang pagtakas ang bangkay ni Kumander Adsam at nakuha sa kanyang posisyon ang isang M16 Armalite rifle,mga bala,mga magasin at mga mahahalagang dokumento.

Dagdag ni MGen Uy na magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa mga terorista para sa seguridad ng taumbayan.

Sa ngayon ay nagsagawa na ng follow-up peration ang Joint Task Force Central laban sa mga kasamahan ni Kumander Adsam sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.