-- Advertisements --

BAGUIO CITY- Pormal ng inanunsiyo ng Philippine Military Academy ang Top 10 ng Bagong Sibol class sa Kinabukasasn Mandirigma Hanggang Wakas o Bagsik Diwa Class of 2022.

Sa isinagawang Kapihan sa PMA, inanunsiyong 214 cadets ang magtatapos sa Bagsik-Diwa Class of 2022 na kinabibilangan ng 165 na lalaki at 65 na babaeng cadets.
Mula sa naturang bilang, 104 ang inaasahang magiging bahagi ng Philippine Army, 57 sa philippine Navy at 53 sa Philippine Air Force.

Pinapangunahan ng anak ng isang sundalo at teacher ang Topnothcher mula South Cotobato na si Cadet 1CL Krystlenn Ivany Quemado kung saan sinabi ng kadete na naging inspirasyon ang kaniyang mga magulang sa pagkahubog niya bilang isang kadete at lider.

Rank 2 naman si Cadet 1CL Kevin John Pastrana mula dito sa Baguio City ; rank 3 si Cadet 1CL Ian Joseph Bragancia ng Iloilo; rank 4 si Cadet 1CL Faithe Turiano (Camarines Sur); rank 5 Cadet 1CL Yyoni Xandria Marie Tiu (Davao City); rank 6. Cadet 1CL Jake Anthony Mosquera (North Cotabato); rank 7. Cadet 1CL Jesie Mar Frias (Antipolo City, Rizal); rank 8. Cadet 1CL Elvin John Oyo-a (Butuan City); rank 9. Cadet 1CL Nerfa Minong (Zamboanga City) at 10. Cadet 1CL Criselle Jane Rico (Zamboanga City).

Kumpirmado namang si Presidente Rodrigo Duterte ang magsisilbing Guest Of Honor and Speaker sa graduation ceremony na magaganap sa PMA Fort del Pilar sa Linggo, May 18.