-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Labis ang pasasalamat ng isa sa mga Top Notchers ng Philippine Military Academy o PMA- Mandirigma ng Bayan, Inaalay ang Sarili, Lakas at Tapang para sa Kapayapaan (MABALASIK) Class of 2019 matapos na mapabilang ang kanyang pangalan sa TOP 10.

Ayon kay Cadet 1st Class Aldren Altamero, 25-anyos, tubong Brgy Balabag, Kidapawan City, North Cotabato, isang malaking biyaya ng Panginoon na maging Top 5 sa isang prestihiyosong akademiya sa bansa.

Ang kanyang pagtatapos umano ang magsisilbing reunion ng kanyang pamilya na nagkawatak-watak sa mahabang panahon matapos na maulila sa kanilang ama ng sya ay 12-anyos pa lamang.

Ito umano ang magiging daan upang muli silang magkita sila ng kanyang ina na si Gng Anita Altamero, isang school janitor kasama ang kapatid nito.

Aminado din si Altamero na labis na hirap ang kanilang dinanas sa kanyang pag-aaral ngunit ito umano ang kanyang naging inspirasyon upang makapagtapos.

Napag-alaman na maliban sa napasama ito TOP 5, tatangap din si Altamero ng General Luna Award at Dean’s list award.

Siya din ang nag-iisang nakapasok sa TOP 10 galing sa Mindanao.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Altamero sa lahat ng naging bahagi ng kanyang tagumpay.

Ibinahagi din nito na matapos ang kanilang graduation rites, magbabaskyon ito kasama ang kanyang pamilya upang makabawi sa mga panahong di nya ang mga ini nakasama.