-- Advertisements --

Iniimbestigahan na umano ng federal prosecutors kasama ang IRS Criminal Investigation agency at FBI ang business dealings sa China ng anak ni President-elect Joe Biden na si Hunter Biden.

Ngunit nilinaw naman ng federal authorities na walang kinalaman ang next US president sa gagawin nilang imbestigasyon.

Nakikipag-ugnayan ngayon ang federal prosecutors sa Delaware sa IRS Criminal Investigation agency at FBI para sa gagawing imbestigasyon.

Hunter Biden
Hunter Biden

Ang aktibidad sa pagsisiyasat ay naging lihim sa mga nagdaang buwan dahil sa mga alituntunin ng Justice Department na nagbabawal sa mga kilos na maaaring makaapekto sa isang halalan.

Sinasabing kabilang sa binubusisi ng mga imbestigador ay ang “multiple financial issues” ni Hunter, ang mga kasosyo nito sa mga negosyo, posibleng paglabag sa tax at money laundering laws at pakikipag-ugnayan nito sa ilang mga dayuhang bansa lalo na sa China.

Sa panig naman ng kampo ni Biden, sinabi ng abogado nito na kinikilala nila ang inilunsad na imbestigasyon.

Maging si Hunter ay kinumpirma rin ang imbestigasyon laban sa kanya.

“I learned yesterday for the first time that the U.S. Attorney’s Office in Delaware advised my legal counsel, also yesterday, that they are investigating my tax affairs. I take this matter very seriously but I am confident that a professional and objective review of these matters will demonstrate that I handled my affairs legally and appropriately, including with the benefit of professional tax advisors,” ani Hunter Biden sa isang statement. (with report from Bombo Jane Buna)