-- Advertisements --

BEIRUT – Tinanggalan na ng Saudi Arabia ng citizenship si Hamza bin Laden, ang anak ng napaslang na lider ng al Qaeda na si Osama bin Laden.

Ito ay batay sa inilabas na pahayag ng interior ministry, na inilathala naman sa official gazette.

Una rito, sinabi ng US State Department na may alok itong $1 million sa mga makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Hamza.

Pinaniniwalaan na siya ay nakabase ngayon sa Afghan-Pakistani border.

Matatandaan na noong mga nakaraang taon ay naglabas si Hamza ng mga audio at video messages kung saan tinatawagan niya ang kanyang mga kasamahan upang magsagawa ng paghihiganti sa pagkakapatay sa kanyang ama. (Reuters/ BBC)