LA UNION – Nanumpa na bilang bagong presidente ng Philippine Councilors League – La Union Chapter si San Fernando City Councilor Maria Rosario Eufrosina “Chary” Nisce, sa pamamagitan ni Gov. Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III sa Provincial Capitol.
Dahil sa pagiging presidente ng PCL-LU Chapter, otomatiko na ex-officio member na rin ito ng Sangguniang Panlalawigan, alinsunod sa Local Government Code of 1991.
Pinalitan ni Nisce sa nasabing posisyon si City Vice-Mayor Francisco Paolo Ortega V, na dati rin ex-officio Board Member, matapos maging regular member ng Sangguniang Panlalawigan.
Next in line sana si dating PCL Vice Pres. Tessie Garcia, na municipal councilor ng Aringay, La Union ngunit hindi na kumandidato pa sa nakaraang eleksiyon, kung kayat nawala ang posisyon nito sa nasabing liga.
Si Nisce ang next in rank dahil siya ang dating secretary general ng PCL- La Union Chapter.
Si Nisce ay anak ni ex-La Union Vice Governor Aureo Q. Nisce, na isa na ngayong pribadong indibidual matapos mamahinga sa mundo ng pulitika.