-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng beteranong singer na si Gary Valenciano ang nalalapit na pagpapakasal ng anak nitong si Kiana.
Sa social media account nito ay nagpost siya kasama ang anak na may suot na engagement ring.
Naglagay ang singer ng emosyonal na caption at sinabing masaya siya sa pagpapakasal ng anak.
Binati rin nito ang nobyo ng anak na si Sandro kung saan malugod nilang tinatanggap sa kanilang pamilya.
Nagpapaabot naman ng pagbati ang ilang celebrities sa anak ng singer matapos na mabalitaan ang masayang balita.