-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa man nag-file ng kanyang certificate of candidacy(COC) subalit marami na ang nag-aabang para masilayan ang anak ni Former Senator Manny Pacquiao na si Michael.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Gensan City Mayor Lorelie Pacquiao na si Michael ang pinakabatang kandidato sa kanilang partido, ang Peoples Champ Movement(PCM).

Dagdag pa ng Alkalde na nais umanong sundan ni Michael ang mga yapak ng kanyang ama na naging Senador na noon at kandidato pagka-Senador ngayon.

Nalaman na ngayong October 5, 2024 maglalakad mula sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish ang grupo ni Mayor Pacquiao kasama ang mga kandidato at mga supporters patungong COMELEC Office para mag-file ng kanilang COC.