Nagpahiwatig ang modelong si Michelle Dee na bukas pa rin itong lumaban sa mga major beauty pageants sa bansa.
Ito’y kasunod ng kanyang pagbati sa Filipina-Italian na si Celeste Cortesi na siyang tinanghal bilang Miss Universe Philippines (MUP) 2022.
Ayon kay Dee, nang maka-showdown nito sa MUP stage si Cortesi ay alam nila pareho na isa lang ang mag-uuwi ng pinakamataas na titulo kaya maituturing niya iyon bilang “most intense moments” sa kanyang buhay.
“No one can take her (Celeste’s) destiny away from her because she is queen well-deserved and a true friend for that matter as well. Glad to have shared this moment with you just like we manifested,” caption nito sa larawan at naka-tag si Cortesi.
Bilang second place, ang anak ni 1979 Miss International Melanie Marquez ay ang Miss Universe Tourism ngunit hindi pa aniya tapos ang laban.
“Mahal ko kayo and who knows this might not be the last. #mmdverse #deepataposanglaban.”
Una nang naging kinatawan ng bansa ang 27-year-old Makati beauty sa Miss World 2019 kung saan siya ay nagtapos sa Top 12.