Inamin ni Michelle Dee na nakakaramdam siya ng pressure sa kanyang pagsali sa Miss World Philippines 2019.
Si Dee ay anak ng modelo rin na naging beauty queen turned actress na si Melanie Marquez na siyang kinatawan ng Pilipinas sa 1979 Miss International at nasungkit din ang korona.
Ayon kay Dee, 100% ready na siya sa pagsabak sa beauty pageant matapos ang ilang taon na pag-ipon ng lakas ng loob at tuluyang sumali.
“She (Melanie) knows naman na I wouldn’t have joined if I don’t feel confident. So the fact na I signed up and applied, it already gave her a sign na: Okay, my daughter is ready. Now, I really feel like it’s my time to try it out,” ani Dee.
Dagdag nito, “When I feel pressure, when people are expecting things from me, that’s what really pushes me to do my best. I take whatever constructive criticism I can take in order to improve.”
Una nang naiulat na kabilang din sa Top 40 candidates ng 2019 Miss World Philippines ang dating child star na si Isabelle de Leon at dating miyembro ng GirlTrends na si Kelley Day.
Ang 24-year-old TV host/actress/singer ay nakilala sa kanyang pagganap bilang best friend ng noo’y child star din na si Jiro Manio sa pelikulang “Magnifico” noong 2013.
Nagkaroon din siya ng papel sa sitcom na Daddy Di Do Du kung saan anak siya ni Vic Sotto.
“This is it! I ask you to join me on my journey as I stake my claim to the Miss World Philippines 2019 crown and prove myself as a truly worthy and deserving ‘Beauty with a Purpose,'” saad naman ni de Leon.
Gaganapin ang Miss World Philippines 2019 coronation night sa September 8 sa Araneta Coliseum.
Ilan sa mga major award sa Miss World Philippines ay ang pagiging kinatawan ng bansa sa Miss World, gayundin sa Reina Hispanoamericana pageant.
Noong nakaraang taon, bigo ang pambato ng Pilipinas sa Miss World na si Katarina Rodriguez matapos itong hindi na makausad pa sa Top 30.
Pero naging abot-kamay naman ni Katarina ang 2017 Miss Intercontinental crown matapos tanghaling first runner-up.
Sa ngayon ay mayroon pa lamang isang Miss World crown ang Pilipinas sa pamamagitan ni Megan Young.
indi rin naibigay ni Alyssa Muhlach Alvarez ang back-to-back Reina Hispanoamericana titles sa bansa, kasunod ng tagumpay ni “Winwyn” Marquez na siyang first ever Pinay na nakasungkit sa naturang pagkilala.
Si Alyssa ay kabilang sa showbiz clan kung saan magulang nito ang aktres na si Almira Muhlach at dating PBA (Philippine Basketball Association) star Bong Alvarez, habang tito niya si Aga Muhlach.