-- Advertisements --

Sinampahan ng kaso ang anak ng dating NBA star Kareem Abdul-Jabbar na si Adam dahil umano sa pananakot sa kapitbahay gamit ang kutsilyo.

Ayon sa reklamo ng 60-anyos na kapitbahay ni Adam, nagkaroon silang hindi pagkakaunawan na nagresulta sa pananaksak sa kaniya.

Nagtamo ito ng maraming saksak sa katawan na muntik nitong ikinamatay.

Dahil sa insidente ay inaresto ng San Clemente, California police ang 28-anyos na anak ng NBA star.

Ilan sa mga kasong isinampa dito ay ang assault with deadly weapon, one count for carrying dagger, three enhancement of inflicting great bodily injury kung saan kapag nahatulan ay posibleng makulong siya ng hanggang 10 taon.