-- Advertisements --

Itinangggi ng actor na si Ian De Leon ang kumalat na balita na pumanaw ang ina habang ito ay kasagsagan na inooperahan.

Ayon sa actor, na pagkatapos ng kaniyang operasyon ay doon na lamang ito ng nalagutan ng hininga.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang actor kung ano ang sakit ng ina.

Dagdag pa nito na pagkatapos na maoperahan ay nahirapan ito ng huminga at doon na tuluyang namayapa.

Kasama ng actor ang mga kapatid na sina LotLot , Matet at Kenneth na pinasalamatan ang publiko sa pagbibigay ng pagmamahal at suporta sa kanilang ina.