-- Advertisements --

Nagtala ng kanyang ikalawang panalo ang anak ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel sa kanyang amateur fight laban kay Jonathan Barajas doon sa Montebello Country Club sa Montebello, California.

Ang panalo ni Jimuel ay via unanimous 3-round decision kontra kay Barajas ng Oxnard, California.

Kung maalala si Jimuel, ang panganay na anak ng retired eight-division world boxing champion.

Napansin ng ilang mga analyst na medyo gumaganda na raw ang boxing fundamentals ni Jimuel kumpara sa unang laban niya noong buwan ng Marso.

Nagpakita raw kasi ito ng magandang mga kumbinasyon sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga suntok sa katawan at sa ulo ng kalaban.

Ang 20-anyos na nakababatang Pacquiao ay doon nagti-training sa sikat na Wild Card Gym sa Los Angeles mula pa noong nakaraang taon sa ilalim ng protege ng legendary trainer na si Freddie Roach na si Marvin Somodio na isa ring Pinoy.

Samantala, muli namang nagpaabot ng suporta sa laban ni Junior ang MP Promotions president na si Sean Gibbons.