PASAY CITY – Emosyunal si Jamie Christine Lim matapos makuha ang gintong medalya sa Womens Kumite Individual +61kg nang talunin nito si Georgia Zefanya Ceyco ng Indonesia sa isang kalamangan 2-1 sa larong karatedo.
“Against all odds” kung ituring ni Lim ang pagkakakuha sa ginto matapos huminto sa pagka-karate ng apat na taon dahil umano sa pagtutok sa pag-aaral at nitong July lang umano siya bumalik sa training dahil naka-graduate na bilang summa cum laude.
Ilang beses din umano itong umiyak sa kanyang ina dahil sa hirap ng training na dinaranas para sa 2019 SEA Games.
Wala ring sinayang si Lim na oras para mag-ensayo dahil sa limang buwan lang ang meron ito.
Nagawa pa nga nitong isinakripisyo na malayo sa pamilya ng 2 buwan para lang mag-ensayo.
Dagdag pa nito, pinilit niyang makabalik sa paglalaro ng karate dahil timing na kakatapos pa lang sa pag-aaral at ayaw palampasin na maglaro sa harap ng mga kababayan.
Hindi naman naging madali ang laban nito para makuha ang ginto dahil full time sa training ang kanyang mga kalaban.
Ang achievement umano nito sa academics bilang summa cum laude ay inaalay sa kanyang ina at ang medalyang ginto mula SEA Games ay para naman sa PBA legend na ama na si Samboy Lim.
Samantala, nakakuha naman ng bronze medal si Sharif Afif ng Pilipinas sa +75kg matapos talunin ang cambodia na si Vibol Sreang.
Bronze din ang maiuuwi ni Ivan Agustin kontra sa myanmar athlete na si Zaw Min Thet sa -75 kg sa Kumite karatedo.
Bronze rin podium, men’s kata ng Pilipinas na tinalo ang Myanmar, 23.74 to 23.14.
Ang Philippine karatedo team ay humakot na ng dalawang gold medals, 1 silver, and seven(7) bronzes sa 2019 SEA Games. (Report by Bombo John Salonga)