-- Advertisements --

Ibinida ni retired two-division champion Ricky Hatton na isa ng professional boxer sa edad na 19 ang anak nitong si Campbell.

Pumirma na rin ito ng kontrata sa Matchroom Boxing ng promoter na si Eddie Hearn.

Nakatakda naman ang unang laban nito bilang professional sa Pebrero 2021.

Sa kaniyang social media, pinasalamatan ni Campbell ang ama na dating World Champion at uncle nitong Matthew na isang World Title challenger dahil sa pamamahagi nila ng kaalaman sa boxing.

Nagsimulang mag-boxing ang nakakabatang Hatton noong ito ay edad 14 lamang.

Tiwala ang 42-anyos na si Hatton na magiging matagumpay na boksingero sa darating na panahon ang anak.