Kumpiyansa si National Authority for Child Care (NACC) Executive Director at DSWD Undersecretary Janella Ejercito Estrada na walang kasalanan ang kanyang ama.
Kaugnay nito ay gagawin aniya ng kanilang pamilya ang lahat legal na paraan ng sa gayon ay mapatunayan nilang inosente ang kanyang magulang.
Ginawa ni Usec. Estrada ang pahayag kasunod ng ipawalang sala ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada para sa kasong plunder ngunit hintaulatb itong guilty sa kasong direct at indirect bribery.
Ayon pa sa opisyal, ang pagpapawalang sala sa kanyang ama ay nagtanggal ng malaking pasakit sa kanilang pamilya na matagal na panahon rin nilang pasanpasan.
Ito rin aniya ay sumubok sa katatagan ng kanilang buong pamilya at ngayon ay vindicated na ang kanyang ama.
Nagpapasalamat naman ang kanilang pamilya sa Sandiganbayandahil napawalang sala na sa kasong plunder si Senador Jinggoy bagamat ang desisyon ay hindi naging ganap para sa senador.