Inihayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na ang anak ni Justice Secretary Jesus Boying Remulla na si Abeng Remulla ay itinalaga ng National Unity Party (NUP) bilang board member ng 7th district ng Cavite.
Papalitan ni Abeng ang kanyang kapatid na si Crispin “Ping” Remulla, na nahalal na kongresista noong isang espesyal na halalan.
Si Abeng ay nagtapos sa UP Diliman at siya ay naging executive assistant ni SOJ Remulla noong siya ay gobernador ng Cavite mula 2016-2019, at chief-of-staff sa Kongreso mula 2019-2022.
Nanalo ang nakatatandang si Remulla noong May 2022 elections ngunit kinailangan niyang isuko ang kanyang posisyon matapos siyang italaga sa Department of Justice ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang ikapitong distrito ng Cavite ay binubuo ng isang lungsod at tatloing bayan kabilang dito ang Trece Martires City, Amadeo, Indang, at Tanza sa Cavite.