-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Justice (DOJ) ang mga otoridad ng Timor Leste na agad na pabalikin sa bansa matapos na maaresto si dating Representative Arnolfo Teves Jr.
Kasunod ito sa nakalap na impormasyon ng DOJ na nagbabayad umano ang anak ng kongresista ng nasa P114,000 sa mga miyembro ng Criminal Investigation Police sa Timor-Leste para mabigyan ito ng special treatment.
Kasalukuyang nasa pre-trial detention ang dating mambabatas sa Becora, Prison.
Magugunitang noong Marso 21 ng maaresto si Teves sa Timor-Leste matapos na ilagay siya sa redlist ng interpol.
Inakusahan kasi si Teves na siyang nasa likod ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023.