-- Advertisements --

May tsansang makakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics ang anak ng American rock legend Bruce Springsteen na si Jessica matapos na makapasok ito sa finals ng show jumping.

Miyembro kasi ang 29-anyos na si Jessica ng US equestrian team.

Ang New Jersey native ay pumangalawa sa tatlong riders ng kanilang koponan.

Nabigyan pa ito ng apat na penalty matapos na mapatumba ang rail sa 80.67 seconds ng 14-jump course.

Kahit na wala sa kanila ang nakapasok sa individual finals ay pasok naman sa finals ang kanilang koponan.

Noong limang taong gulang pa lamang siya ay nag-aral na siya ng equestrian at nitong Marso ay nagwagi siya FEI Jumping Nations Cup Wellington CSIO4.

Kasama niya sa koponan sina Laura Kraut at McClan Ward.