-- Advertisements --
Naimbitahan bilang maging representative ng bansa sa Le Bal des Debutantes ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha.
Taunan itong ginaganap sa Paris kung saan dinadaluhan ito ng mga kilalang personalidad mula sa iba’t-ibang bansa.
Isa umano itong uri ng fashion at charity ball kung saan mayroong 20 mga dalaga ang inimbitahan na ipapakilala ang mga suot na damit na gawa ng mga kilalang designer.
Kinumpirma ni Atasha ang kaniyang pagdalo sa pamamagitang ng kaniyang social media.
Labis naman ipinagmalaki ng beauty queen na ina ang anak dahil sa mapalad na mapili sa nasabing event.
Kasalukuyan kasing naninirahan si Atasha sa United Kingdom para doon mag-aral habang ang kambal nitong kapatid na si Andres ay nasa Spain.