-- Advertisements --
Harry and Meghan baby
DUKE and Duchess / IG post

Ipinakita na sa publiko sa unang pagkakataon ang anak nina Duke and Duchess of Sussex.

Inabangan ng maraming mamamahayag ang paglabas ng mag-asawa kasama ang bagong silang na anak na nakabalot sa puting tela sa St. George’s Hall sa Windsor Castle.

Itinuturing nina Meghan at Prince Harry na isang himala ang pagdating ng kanilang anak.

Hindi rin maiwasan ng dalawa ang labis na kasiyahan mula ng isilang ito nitong Lunes.

May napili na silang pangalan subalit kanilang ilalabas ito sa mga susunod na araw dahil kailangan pa na aprubahan ni Queen Elizabeth.