-- Advertisements --
Patay ang isang anak matapos sinaksak ng sariling ama sa Barangay Tamu-an, Janiuay, Iloilo.
Ang biktima ay si Jason Ojanula, 29, habang ang suspek naman ay si Hernani Ojanula, 59 anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Alwin Salmon, hepe ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na base sa imbestigasyon, nag-inuman pa ang mag-ama bago ang krimen.
Ayon kay Salmon, nang natulog ang ama, kinukulit umano ito ng anak dahilan na nagalit ito at sinaksak ang biktima.
Dinala pa ang anak sa sa ospital ngunit binawian ng buhay.
Pinag-uusapan pa ng mga kapatid ng biktima kung magsasampa ang mga ito ng kaso laban sa padre de pamilya.