-- Advertisements --

Nagpaabot ng tulong ang AnaKalusugan Party-list sa pamilya ng 18 na nasawi at 11 na sugatan sa malagim na aksidente sa Hamtic, Antique.

Ayon kay AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes, nabigyan ito ng tig P10,000 na medical assistance ang lahat ng pamilya nasawi at nasugatan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Kongresista sa mga biktima ng naturang aksidente.

December 5, matatandaang mahigit 50 pasahero ang sakay ng bus na bumiyahe mula Iloilo City patungo sa bayan ng Culasi sa Antique. Nawalan umano ng preno ang bus dahilan upang mahulog ito sa bangin.

Nagpaalala naman ang mambabatas sa mga motorista lalo ngayong marami ang inaasahang uuwi sa mga probinsya para sa Kapaskuhan.