-- Advertisements --
Napanatili ni Takuma Inoue ang kaniyang WBA bantamweight title matapos pabagsakin ang Filipino challenger na si Jerwin Ancajas sa laban nila na ginanap sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.
Hindi nakanayan ng Pinoy boxer ang malakas na suntok ng Japanese boxer na tumama sa katawan kaya natumba ito sa ika-siyam na round at hindi na nakayanan pang tumayo.
Mayroon ng 19 panalo at isang talo si Inoue habang ang 32-anyos na si Ancajas ay mayroong ng 34 panalo, apat na talo at dalawang draw.
Ito ang unang laban ni Ancajas na ang huli ay noong Hunyo 2023 ng talunin niya si Wilner Sotto sa laban nila sa Minnesota.
Nabigo rin sa kaniyang laban si Jonas Sultan ng patulugin ito sa unang round ni Riku Masuda sa kanilang bantamweight fight.