Nais patunayan ni Jerwin Ancajas ang pagiging uhaw nito sa titulo at handa niyang talunin si Takuma Inoue.
Maghaharap ang dalawa sa araw ng Sabado sa Kokugikan National Sumo Arena in Tokyo, Japan.
Target ni Ancajas na matanggalan ng titulo si Inoue na kasalukuyang World Boxing Association (WBA) world bantamweight champion.
Sinabi ni Ancajas na hindi lamang nito nais na maging world champion at sa halip ay target nitong matapos na ang pagkagutom na bansa sa pagkakaroon ng boxing world champion.
Magugunitang noong Disyembre ay natalo ang natitirang world champion na si Marlon Tapales sa kamay ng nakakatandang kapatid ni Inoue na si Naoya noong Disyembre at nakuha ang super bantamweight world champion.
Si Ancajas ay may record na 34 panalo , tatlong talo at dalawang draw na mayroong 23 knockouts.
Habang si Inoue ay mayroong 18 panalo, isang talo at apat na knockouts.