Hindi mamaliitin ni Filipino boxing champion Jerwin Ancajas ang lakas ni American boxer Joshua Franco.
Isa kasi si Franco ang posibleng makaharap ni Ancajas sa mga susunod na buwan.
Sinabi ni Ancajas, naging matindi ang mga performance na ipinapamalas ni Franco.
Napanood din ng Filipino boxer ang mga laban ni Franco at humanga siya dito.
Huling laban kasi ni Franco ng talunin niya si Andrew Moloney ng Australia para makuha ang WBA junior bantamweight “regular” champion.
Ipinahayag na ni Top Rank CEO Bob Arum ang posibilidad na pagharap ni Ancajas kay Franco.
Dagdag pa naman ni Ancajas na kailangan muna niyang tapusin ang laban niya kay Jonatahn Rodriguez.
Itinakda kasi noong Abril ang laban nito kay Rodriguez subalit ito ay nakansela dahil sa coronavirus pandemic.