-- Advertisements --

Nagbago ang isip ni dating IBF world super flyweight world champion Jerwin Ancajas na umakyat ng timbang.

Sinabi ng 30-anyos na boksingero na mas pipiliin na lamang niyang manatili sa 115 pounds para ma-unify ang kaniyang titulo.

Dagdag pa nito na matagal na nitong pangarap ang pagkakaroon ng unified title kaya ipapasa-Diyos na lamang niya ang lahat.

Ang kasalukuyang timbang aniya nito ay kaya niyang imantine.

Magugunitang nabigo itong ipagtanggol ang kaniyang titulo sa ika-10 pagkakataon ng talunin siya ni Fernando Martinez noong Pebrero.