-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa US si Jerwin Ancajas para isapinal na ang susunod na laban nito.

Makakasama niya sa pagtungo sa US sa darating na Miyerkules ang trainer at manager nito na si Joven Jimenez.

Huling lumaban ang reigning IBF world super flyweight champion noong Disyembre 2019 laban kay Miguel Gonzalez kung saan nanalo ito ng technical knockout sa ikaanim na round.

Mula pa noong nakaraang buwan ay nagsimula na itong magsanay at magsagawa ng sparring session.

Sinabi ng kaniyang trainer na susunod na makakaharap nito ay si Jonathan Rodriguez ng Mexico kung saan gaganapin ang laban sa Las Vegas subalit wala pang napipiling petsa.