-- Advertisements --

Hindi maitago ni IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas ang kasabikan sa unang laban nito sa Las Vegas.

Nakatakda kasing depensahan niya ang kaniyang titulo laban kay dating Olympian at undefeated Argentinian boxer Fernando Daniel Martinez.

Gaganapin ang paghaharap ng dalawa sa Pebrero 26 sa Las Vegas, Nevada.

HIndi kasi natuloy ang laban ni Ancajas kay WBO junior bantamweight king Kazuto Ioka noong New Year’s Eve sa Japan dahil sa pagtaas na kaso ng COVID-19.

Mayroong record si Ancajs na 33 panalo isang talo at dalawang draw na mayroong 22 knockouts kung saan noon pang 2016 ay hawak nito ang nasabing titulo.

Habang mayroong 13 panalo at wala pang talo na mayroong walong KO si Martinez.