-- Advertisements --

Sa ikasiyam na pagkakataon ay dedepensahang muli ni IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo sa magiging laban nito kay Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa darating na Abril 10 sa Uncasville, Connecticut.

Ayon sa trainer at manager ni Ancajas na si Joven Jimenez, idaraos ang sagupaan kahit na walang manonood na mga fans.

Huling tumapak sa ring si Ancajas (32-1-2, 22KOs) noong Disyembre 2019 nang madepensahan nito ang kanyang korona laban kay Miguel Gonzalez sa pamamagitan ng sixth-round technical knockout.

Habang si Rodriguez naman, na hawak ang 22-1 kartada na may 16 knockouts, ay huling sumabak sa boxing bout nito lamang Disyembre kontra kay Julian Yedras kung saan nagwagi ito via round one knockout.