Tutulungan ni Filipino boxer Jerwin Ancajas si Eumir Marcial sa paghahanda nito sa pagsabak sa Tokyo Olympics.
Nagdesisyon si Ancajas na manatili sa US para makasabay sa pagsasanay at maturuan na rin ng ilang tekniks ang kapwa boxer.
Maguguntiang napanatili ni Ancajas ang kaniyang International Boxing Federation super flyweight title laban kay Jonathan Rodriguez.
Naipangako kasi ni Ancajas kay Marcial na kaniya itong tutulungan sa training.
Makakasama niya na magtuturo kay Marcial ang head trainer na si Joven Jimenez at sparring partner na si Jonas Sultan.
Nagsasanay ngayon ang mga national boxers ng bansa sa Thailand at para sa paglaban sa Asian Championship sa Mayo 21 sa New Delhi, India bilang paghahanda sa Olympics na magsisimula sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.