-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tinupok ng apoy ang isang ancestral house sa Kidapawan City kagabi.

Ang bahay ay pagmamay-ari ng pamilya Pimentel sa Lapu-Lapu Street sa lungsod ng Kidapawan.

Gawa sa light materials o kahoy ang bahay kaya mabilis itong natupok ng apoy.

Agad namang nagresponde ang mga pamatay sunog kaya hindi na ito kumalat sa ibang tahanan at mga kalapit tindahan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng City Fire Bureau sa nangyaring sunog sa lumang bahay ng pamilya Pimentel.