-- Advertisements --
Binuweltahan ng MalacaƱang ang naging pahayag ng U2 frontman na si Bono tungkol sa usapin ng human rights.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, na nirerespeto ng pangulong Rodrigo Duterte ang karapatang pantao.
Dagdag pa nito na may sariling paniniwala ang singer at polisiya ng gobyerno na protektahan ang bawat mamamayan nito.
Muling iginiit nito na walang nagaganap na extrajudicial killings sa bansa at hindi ito gawain ng gobyerno.
Magugunitang pinasaringan ni Bono o Paul Hewson sa tunay na buhay ang gobyerno ng Pilipinas sa usaping karapatang pantao.