-- Advertisements --

Pinapurihan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si Presidential Communications Sec. Martin Andanar dahil sa malaking kontribusyon nito sa anti-corruption drive ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa pahayag ng PACC, malaki tulong ang walang sawang tulong ni Sec. Andanar sa pagsisikap ng ahensyang malinis ang korupsyon sa gobyerno.

Magugunitang noong Enero ay kinilala rin si Sec. Andanar bilang outstanding media icon at broadcaster ng National Consumers Affairs Foundation.

Tinukoy din ng The Daily Tribue si Andanar bilang Best Merdia Personality noong 2018.

Noon ding Disyembre 2018 ay ginawaran ng Dangal ng Sambayanang Filipino Award si Andanar bilang Pinakamahusay sa Paglilingkod Bayan sa Gawad Filipino Awards.

Nobyembre din ng nakaraang taon nang pinarangalan bilang Most Outstanding Public Servant sa 2nd Diamond Golden Awards.

Dahil din sa pagtataguyod sa press freedom at sa kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa, pinarangalan ng National Press Club si Andanar.

Bago nagsilbi sa gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte, si Andanar ay dating news anchor, radio commentator, podcaster, audio blogger, voice over artist at multi-awarded television news executive.