-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Itinuring ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na isang malawakang disinformation campaign ang paglutang ng mga “Bikoy videos” na umaatake sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Andanar na ang paglutang ng video ay malinaw na nagmula sa mga kritiko nng Pangulo.

Hangad lamang daw ng mga videos na ito na pabagsakin ang gobyerno dahil sa kampanya kontra iligal na droga.

Ito aniya ang dahilan kung bakit tutol daw siya na i-decriminalize ang kasong libel dahil lalo lamang umano na lalaganap ang disinformation at fake news katulad ng Bikoy videos.