-- Advertisements --

Umusad ang andas ng imahe ng Itim na Nazareno bilang pagsisimula ng traslacion.

Sa oras ng alas-4:40 ng umaga ng simulan ang paggalaw ng andas mula sa Quirino Grandstand patungo sa simbahang Quiapo.

Gaya ng nakagawian ay hindi napigilan ang mga deboto na salubungin at nagpumilit ang mga ito na sumampa sa andas.

Mayroong 14 na mga prayer station ang makikita sa daraanan ng andas.

Naging mahigpit naman ang pagbabantay ng mga kapulisan at ilang mga force multipliers para matiyak ang seguridad ng mga deboto.