-- Advertisements --

Hinamon ni House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya Jr. si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pangalanan ang mga senador na nasa likod ng budget cuts para sa major government programs at projects sa ilalim ng General Appropriations Bill.

Ito ay matapos na tawagin ni Sotto si Andaya at ilan pang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang “delusional.”

Sa halip aniya na insultuhin ang Kamara, dapat na itigil na raw ni Sotto ang paglihis sa atensyon ng publiko sa totoong issue.

“The Senate President need not consult the dictionary in search of more pompous words,” ani Andaya.

Iginiit ng kongresista na naging “drastic” ang budget cuts na ginawa ng Senado hindi lamang sa Build, Build, Build projects kundi maging sa alokasyon para sa pensyon ng mga uniformed personnel at retirement benefits ng mga government employees.

Sinabi ni Andaya na dapat ding ipakita ng Mataas na Kapulungan ang mga items kung saan na-realign ang ginawang budget cuts.