Malaya ang mga senador na sabihan si Pangulong Rodrigo Duterte kung anong bahagi ng panukalang pambansang pondo ngayong 2019 ang kailanga i-veto.
Ayon kay House Appropriations Committee chairman Rolando Andaya Jr., malaya ang mga senador na gawin ito kung sa tingin nila na ang niratipikahan ng Kongreso na panukalang pambansang pondo ngayong taon “constitutionally-infirm and legally-flawed”.
Iginiit din ni Andaya na prerogative at karapatan ng punong ehekutibo ang mag-veto.
Pero kung dalawang porsiyento lamang daw ang maituturing na “contested” sa pambansang pondo, bakit naman daw isasakripisyo rito ang natitirang unconstested na 98 percent.
“Why hostage the national budget over unfounded and unreasonable fear?†ani Andaya.
Ginawa ng kongresista ang naturang pahayag matapos sabihin ni Senator Panfilo Lacson na nag-utos daw si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng realignment ng P25 million mula sa Department of Health para sa kanyang “favored” cogressmen.