Mariing itinanggi ni House Appropriations chairman Rolando Andaya Jr. na may binago ang Kamara sa P3.757-trillion national budget.
Ayon kay Andaya, walang iligal o unconstitutional na ginawa ang Kamara nang i-itemized ang P4.5 billion budget para sa health facilities sa bansa pagkatapos na ratipikahan ng bicameral conference committee sa pambansang pondo.
“No changes in the national budget,” saad ng kongresista.
Kaya naman kampante raw siya na malalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte 2019 budget bago matapos ang Marso.
Samantala, sinabi naman ni Andaya na dapat sa susunod na lang ipagpatuloy ng Kamara ng imbestigasyon sa kuwestiyonableng budget practices ng Department of Budget and Management (DBM).
Magugunita na kinuwestiyon nina Andaya ang DBM, sa ilalim ng pamumuno ni Diokno, dahil sa mga natuklasang iregularidad sa national budget.